MANDALUYONG
Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".
Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na inihalintulad sa produksyon ng pinaka produkto ng palitan.
Para sa mga naninirahan dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay dahil ang Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan karamihan sa mga dukha ay doon naninirahan. Pero di naman nangangahulugan na mahihirap ang lahat ng tao doon; KARAMIHAN lang po.
Ang lungsod ng Mandaluyong ay kilala sa dahil sa maraming labandero at labandera ang nakatira dito. Kilala din ito dahil sa Mandaluyong matatagpuan ang Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip. Kaya nabibigyan ng ganitong konotasyon ang Mandaluyong: siyudad na kung saan ang mga nakatira ay pawang mga may sakit sa pag-iisip.Hindi naman po ito totoo, maraming mga sikat o mga maimpluwensyang tao ang nanggaling o nakatira dito. Kahit ganoon, ang Mandaluyong ay isang magandang lugar na kung saan maayos ang pamamalakad ng mga pinuno, maganda ang kapaligiran, at “Child-Friendly” ang pangkalahatang populasyon.
Maraming mga istorya ang tumatak sa isip ng mga tao, ang istorya kung paano nabuo ang Mandaluyong. Sa presentasyon na ito ang ginamit o pinaniniwalaan naming istorya ay ang doon sa dalawang magkasintahang, ang pangalan ay sila ‘Manda’ at ‘Luyong’. Kung pagbabasehan din naman natin, ito talaga ang alam at pinaniniwalaan ng maraming mga tao. Ang siyudad ng Mandaluyong ay tinaguriang “Shopping Capital of the Philippines” sapagkat maraming mga mall dito. Dito makikita ang mga mga naglalakihang mall katulad ng SM Megamall, Starmall, Forum Robinson, St-Franscis sq at Shangrila Plaza. Dito kadalasan dumdadayo ang mga taong gustong mamasyal at magshoping. Tinawag din itong “Tiger City” at “Heart of Manila”. Pag galing ka dito itatanung sayo kung taga-labas ka o taga-loob, sapagkat nandito ang “Mental Hospital” at “Women’s Correctional”.
Ang pasko sa Mandaluyong ay Masaya sapagkat may mga patimpalak ang bawat eskwelahan na pagandahan ng Christmas tree .Itinitayo ang 40ft na Christmas tree na puno ng palamuti at mga kumukutikutitap na mga pailaw.Dito rin may mga nagsasayaw aat kumakanta tuwing gabi. Dito ka rin makakabili ng sarisaring gamit na mura na may tawad ka pa ,naglipana ito bawat sulok ng munisipyo. Meron ding mga perya at mga rides para sa mga bata.
Sa maraming aspeto din nakilala ang Mandaluyong. Isa na rito ang mga eskulturang matatagpuan sa maraming lugar dito sa Mandaluyong. Ang ilang mga eskulturang ito ay mga antigo na siyang lalong nagpaganda at nagpataas sa halaga nito. Karamihan din sa mga eskultura ay ginawa ng mga sikat na tao na may kanya-kanyang ambag sa kasikatan ng Mandaluyong at sa ika-uunlad ng lipunan.
Alam niyo ba ang monumento sa Mandaluyong? Bibigyan ko kayo ng isang hakbang papalapit sa sagot. Ito ay nasa loob ng JRU. Gusto niyo na malaman ang sagot? Ito ay ang Don Vicente Fabella Monument. Si Don Vicente Fabella ang unang taga-tuos sa Pilipinas at ang nagtatag ng Jose Rizal University. Kaya ito ay nasa loob ng JRU. Ang kahalagahan ng monumentong ito ay para maalala si Don Vicente Fabella sa kanyang ginawa.
Ang Our Lady of the Abandoned naman ay ay isang antigong rebulto ng isang santo na ipinadala sa Hulo, Mandaluyong dahil sa mga kagustuhan ng mga residenteng intsik. Ito daw ay pinaniniwalaang nanggaling sa Sta. Ana, Maynila nang kumulang sa 300 na taon. Napaka-ganda nitong statwang ito. Marami raw na mga dasal ang natutupad dahil sa Santong ito.
Isang pamana naman ni Ramon R. Ticzon sa isa sa kanyang mga pamangkin na si Remedios Ticzon-Gonzales ang nakakuha ng atensyon ng maraming tao. Ang Antigong Istatwa ni Nuestra Señora de la Leche y Buen Parto ay matatagpuan sa Our Lady of the Abandoned Parish sa siyudad ng Mandaluyong. Ito ay sumikat dahil si Nuestra Señora daw ay patron ng mga nanay at mga magiging-nanay. Maraming mga deboto ang dumadayo para lang Makita itong pambihirang rebulto na ito
Benjamin D. C. Abalos, Jr.
Mayor ng Mandaluyong
Ipinanganak noong Hulyo 19, 1962 kina Benjamin S. Abalos, Sr. at Corazon de Castro. Isa siyang politiko ng Republika ng Pilipinas at sa kasalukuyang Mayor siya ng lungsod ng Mandaluyong. Nagtapos si Abalos ng kanyang pangunahin at pangalawang-aaral noong 1975 at 1979 ayon sa pagkakasunud-sunod, sa Don Bosco Teknikal College. Nakumpleto niya ang kanyang Bachelor of Arts sa Kasaysayan at Pampulitika Science sa De La Salle University sa 1982, at ang kanyang Bachelor ng Batas degree mula sa Ateneo de Manila University noong 1987, pagtatapos sa loob ng itaas na ikatlong bracket ng kanyang klase. Si Abalos ay ang Pangulo ng Union ng mga Lokal na Awtoridad ng Pilipinas (ULAP), na binubuo ng ilang mga komunidad at pampulitikang organisasyon. Bilang kinatawan mula sa Mandaluyong sa Philippine Congress (2004-2007) sponsored ang pinakamalaking badyet ng Philippinesports Commission (PSC) sa buong kasaysayan nito, at lalung-lalo na nilikha Republic Act No.9397 - ang binagong Urban Development Housing Act ng 1992.
Maganda naman ang naging pamumuno ni Abalos sa lungsod na ito. Mula sa dating maliit at di kilalang lungsod, naging malaki at tanyag na ang Mandaluyong. Dahil kay Abalos, maraming mga negosyante ang nag-invest sa lungsod na ito. Napakalaki ang naging papel ni Mayor Benhur sa Mandaluyong; marami ng mga positibong pagbabago ang natunghayan; di lang ng mga naninirahan sa Mandaluyong, pati na rin ang mga dayo mula sa ibang lugar.