Huwebes, Pebrero 21, 2013

Ang Lungsod ng Mandaluyong

MANDALUYONG





Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".

Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na inihalintulad sa produksyon ng pinaka produkto ng palitan.

Para sa mga naninirahan dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay dahil ang Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan karamihan sa mga dukha ay doon naninirahan. Pero di naman nangangahulugan na mahihirap ang lahat ng tao doon; KARAMIHAN lang po.
Ang lungsod ng Mandaluyong ay kilala sa dahil sa maraming labandero at labandera ang nakatira dito. Kilala din ito dahil sa Mandaluyong matatagpuan ang Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip. Kaya nabibigyan ng ganitong konotasyon ang Mandaluyong: siyudad na kung saan ang mga nakatira ay pawang mga may sakit sa pag-iisip.Hindi naman po ito totoo, maraming mga sikat o mga maimpluwensyang tao ang nanggaling o nakatira dito. Kahit ganoon, ang Mandaluyong ay isang magandang lugar na kung saan maayos ang pamamalakad ng mga pinuno, maganda ang kapaligiran, at “Child-Friendly” ang pangkalahatang populasyon. 

Maraming mga istorya ang tumatak sa isip ng mga tao, ang istorya kung paano nabuo ang Mandaluyong. Sa presentasyon na ito ang ginamit o pinaniniwalaan naming istorya ay ang doon sa dalawang magkasintahang, ang pangalan ay sila ‘Manda’ at ‘Luyong’. Kung pagbabasehan din naman natin, ito talaga ang alam at pinaniniwalaan ng maraming mga tao.
Ang siyudad ng Mandaluyong ay tinaguriang “Shopping Capital of the Philippines” sapagkat maraming mga mall dito. Dito makikita ang mga mga naglalakihang mall katulad ng SM Megamall, Starmall, Forum Robinson, St-Franscis sq at Shangrila Plaza. Dito kadalasan dumdadayo ang mga taong gustong mamasyal at magshoping. Tinawag din itong “Tiger City” at “Heart of Manila”. Pag galing ka dito itatanung sayo kung taga-labas ka o taga-loob, sapagkat nandito ang “Mental Hospital” at “Women’s Correctional”. 

Ang pasko sa Mandaluyong ay Masaya sapagkat may mga patimpalak ang bawat eskwelahan na pagandahan ng Christmas tree .Itinitayo ang 40ft na Christmas tree na puno ng palamuti at mga kumukutikutitap na mga pailaw.Dito rin may mga nagsasayaw aat kumakanta tuwing gabi. Dito ka rin makakabili ng sarisaring gamit na mura na may tawad ka pa ,naglipana ito bawat sulok ng munisipyo. Meron ding mga perya at mga rides para sa mga bata.













Sa maraming aspeto din nakilala ang Mandaluyong. Isa na rito ang mga eskulturang matatagpuan sa maraming lugar dito sa Mandaluyong. Ang ilang mga eskulturang ito ay mga antigo na siyang lalong nagpaganda at nagpataas sa halaga nito. Karamihan din sa mga eskultura ay ginawa ng mga sikat na tao na may kanya-kanyang ambag sa kasikatan ng Mandaluyong at sa ika-uunlad ng lipunan.

Alam niyo ba ang monumento sa Mandaluyong? Bibigyan ko kayo ng isang hakbang papalapit sa sagot. Ito ay nasa loob ng JRU. Gusto niyo na malaman ang sagot? Ito ay ang Don Vicente Fabella Monument. Si Don Vicente Fabella ang unang taga-tuos sa Pilipinas at ang nagtatag ng Jose Rizal University. Kaya ito ay nasa loob ng JRU. Ang kahalagahan ng monumentong ito ay para maalala si Don Vicente Fabella sa kanyang ginawa.

Ang Our Lady of the Abandoned naman ay ay isang antigong rebulto ng isang santo na ipinadala sa Hulo, Mandaluyong dahil sa mga kagustuhan ng mga residenteng intsik. Ito daw ay pinaniniwalaang nanggaling sa Sta. Ana, Maynila nang kumulang sa 300 na taon. Napaka-ganda nitong statwang ito. Marami raw na mga dasal ang natutupad dahil sa Santong ito.  


Isang pamana naman ni Ramon R. Ticzon sa isa sa kanyang mga pamangkin na si Remedios Ticzon-Gonzales ang nakakuha ng atensyon ng maraming tao. Ang Antigong Istatwa ni Nuestra Señora de la Leche y Buen Parto ay matatagpuan sa Our Lady of the Abandoned Parish sa siyudad ng Mandaluyong. Ito ay sumikat dahil si Nuestra Señora daw ay patron ng mga nanay at mga magiging-nanay. Maraming mga deboto ang dumadayo para lang Makita itong pambihirang rebulto na ito 




Benjamin D. C. Abalos, Jr.
Mayor ng Mandaluyong

Ipinanganak noong Hulyo 19, 1962 kina Benjamin S. Abalos, Sr. at Corazon de Castro. Isa siyang politiko ng Republika ng Pilipinas at sa kasalukuyang Mayor siya ng lungsod ng Mandaluyong. Nagtapos si Abalos ng kanyang pangunahin at pangalawang-aaral noong 1975 at 1979 ayon sa pagkakasunud-sunod, sa Don Bosco Teknikal College. Nakumpleto niya ang kanyang Bachelor of Arts sa Kasaysayan at Pampulitika Science sa De La Salle University sa 1982, at ang kanyang Bachelor ng Batas degree mula sa Ateneo de Manila University noong 1987, pagtatapos sa loob ng itaas na ikatlong bracket ng kanyang klase. Si Abalos ay ang Pangulo ng Union ng mga Lokal na Awtoridad ng Pilipinas (ULAP), na binubuo ng ilang mga komunidad at pampulitikang organisasyon. Bilang kinatawan mula sa Mandaluyong sa Philippine Congress (2004-2007) sponsored ang pinakamalaking badyet ng Philippinesports Commission (PSC) sa buong kasaysayan nito, at lalung-lalo na nilikha Republic Act No.9397 - ang binagong Urban Development Housing Act ng 1992.

Maganda naman ang naging pamumuno ni Abalos sa lungsod na ito. Mula sa dating maliit at di kilalang lungsod, naging malaki at tanyag na ang Mandaluyong. Dahil kay Abalos, maraming mga negosyante ang nag-invest sa lungsod na ito. Napakalaki ang naging papel ni Mayor Benhur sa Mandaluyong; marami ng mga positibong pagbabago ang natunghayan; di lang ng mga naninirahan sa Mandaluyong, pati na rin ang mga dayo mula sa ibang lugar.






MANDALUYONG







60 komento:

  1. ok, you may start promoting your blog. please add more details and videos regarding to your topics.

    TumugonBurahin
  2. Maganda po yung blog.. :)
    Full of informations po at pictures. :)

    TumugonBurahin
  3. Ok at maayos naman yung pagkaka-organisa ng mga datos ukol sa piniling lugar.

    TumugonBurahin
  4. Ang Ganda nito Madming Pictures At magagandang Impormasyon.

    TumugonBurahin
  5. Maganda na yung blog nyo pwedeng pwede na :))
    At mayroon na syang enough details sa bawat lugar sa Mandaluyong

    TumugonBurahin
  6. Maganda yung blog :D
    Maraming Informations yung makukuha :D
    Good Job

    TumugonBurahin
  7. Lots of info about our city :) Hope you feature cool places you like to hang out at & restaurants to try! :D

    TumugonBurahin
  8. Ang ganda ng blog nyo :) Ang saya :) Ang daming info tungkol sa Mandaluyong. Galing!!!!!!

    TumugonBurahin
  9. maganda at mas marami akong nalaman tungkol sa mandaluyong

    TumugonBurahin
  10. nc blog...mas madami akong nalaman tungkol sa ating siyudad... :)

    TumugonBurahin
  11. Good job! Madaming magaganda at nakakatulong na impormasyon tungkol sa Mandaluyong :)

    TumugonBurahin
  12. Maswerte talaga tayo sa ating lungsod! :)

    TumugonBurahin
  13. Napakagandang Blog! Marami akong natutunan ng dahil sa mga impormasyong inyong ibinahagi sa inyong blog! Salamat! :))

    TumugonBurahin
  14. BidaBest Mandaluyong! Nice blog,tunay nga na maganda dito sa Manda.Btw,full of info and descriptions.. \m/

    TumugonBurahin
  15. Dahil sa blog ninyo, marami pa akong nalaman tungkol sa Mandaluyong kung saan ako lumaki :)

    TumugonBurahin
  16. Tuloy talaga ang pagsulong ng MAndaluyong dahil sa blog na ito :)

    TumugonBurahin
  17. Napakaganda :D

    TumugonBurahin
  18. Maganda tlga dito sa maynila :))) dito ako ipinanganak eh....

    TumugonBurahin
  19. Nice kya proud ako mging batang mandaleno eh!!!

    TumugonBurahin
  20. Maganda sa Mandaluyong, puno ng mga malls na tiyak na attractive sa mga turista. And naipahatid niyo ng maayos at maganda ang inyong blog! Congratulations!

    TumugonBurahin
  21. marami ang mahihinuha mula dito, sana ay binigyan niyo ng sapat na impormasyon ang mambabasa na susuporta sa ideya ng inyong ginawa. =)

    TumugonBurahin
  22. Marami kang makukhang ARAL o IMPORMASYON tungkol sa Mandaluyong... :)

    TumugonBurahin
  23. Napakaganda ng blog nyo. gusto ko din kung paano nyo isinama ang history ng mandaluyong. Marami ako natutunan :))

    TumugonBurahin
  24. ISULONG NATIN ANG MANDALUYONG!!!!!! GANDA NG BLOG NIYO

    TumugonBurahin
  25. Very good blog. Rendered me speechless. Good job.

    TumugonBurahin
  26. tama lang na ipagmalaki natin ang ating kinalakihan. Good job!!

    TumugonBurahin
  27. marami akong natutunan sa blog niyo ...SULONG MANDALUYONG!!!

    TumugonBurahin
  28. Ang dami na napatayong magagandang malls tiyak matutuwa ang mga dayuhan.. :)

    TumugonBurahin
  29. Been here all my life. <3

    You can add more info about Manda by watching that video presentation discussing its history. I saw that in MCMC while my dad was waiting for his turn in his medical check-up. All of the Mayors were there, and all of their projects. :)

    TumugonBurahin
  30. Thanks for having this kind of blog! Mas marami akong natutunan about sa MAndaluyong :D

    TumugonBurahin
  31. ang ganda ng blog ,punong puno ng pictures at iba't ibang impormasyon.

    TumugonBurahin
  32. Nice blog. Ang daming impormasyon na nakapaloob dito =)))

    TumugonBurahin
  33. Good job! I miss my hometown everyday now that I live so far away. This blog made me reminisce the wonder years of growing up in Mandaluyong.

    TumugonBurahin
  34. maNDALUyong nako taga diyan ako tama yan ipromote ito ng madami ang maginvest dito saatin at tiyak may matutunan sila sa blog nto

    TumugonBurahin
  35. Mabuti may gumawa ng blog ng sariling lugar natin... sana ay magpatuloy sa pag unlad ang ating inang lungsod

    TumugonBurahin
  36. A great place to live life to the fullest

    TumugonBurahin
  37. Maraming salamat sa blog na ito. Maraming information about Mandaluyong.

    TumugonBurahin
  38. nakakabilib ang achievements ng manda :) proud to be a MANDALENO

    TumugonBurahin
  39. nakakaproud talaga maging mandaleno!! :)

    TumugonBurahin
  40. Very informative blog. It is nice that you chose mandaluyong :)) got new infos as well :))

    TumugonBurahin
  41. Wow ! Iba talaga Mandaluyong ~!

    TumugonBurahin
  42. Ako'y isa sa mga mamamayan ng Lungsod ng Mandaluyong rin kaya naman ako'y nagmamalaki sa angkin nitong kagandahan tungkol sa industriya na patuloy na lumalago katulad na rin ng mga malalaking gusali ng aming pamayanan katulad ng starmall at Mega mall na aming madalas na pasyalan.Ang mga ganitong aspeto ay ang isa sa mga nagpapatunay na tunay na maganda and Mandaluyong! Good Job! Nice One :)
    -daphne macabante

    TumugonBurahin
  43. Basta sa Mandaluyong, maraming maaasahan!!

    TumugonBurahin
  44. Tuwang-tuwa ako sa Christmas lights nung pasko sa munisipyo.
    Proud to be a Mandaleño.
    NICE BLOG. :D

    TumugonBurahin
  45. Go support Mandaluyong! nice blog :)

    TumugonBurahin
  46. Great blog! Very informative, learned a lot :)

    TumugonBurahin
  47. Well made. More power Mandaluyong!

    TumugonBurahin
  48. Born and raised in Mandaluyong. Been here all my life and this is where home is. Everything in this blog truly describes what Mandaluyong is and it made me love this place more than ever. Thanks much!

    TumugonBurahin
  49. kaylan po ba naging ganap na lungsod ang mandaluyong ??

    TumugonBurahin
  50. ano po ibig sabihin ng logo ng mandaluyong

    TumugonBurahin
  51. Maaari pong makahingi ng meaning ng simbolo ng logo ng mandaluyong?

    TumugonBurahin
  52. Pwede po makahingi Ng kahulugan Ng simbolo Ng logo Ng Mandaluyong? Please...

    TumugonBurahin
  53. ANO PO ANG KAHULUGAN NG SEAL NG MANDALUYONG

    TumugonBurahin